Posts

Showing posts from April, 2025

"Galaw, Gawa, Kilos: Ano Nga Ba ang Pandiwa?”

Image
  "Galaw, Gawa, Kilos: Ano Nga Ba ang Pandiwa?" Introduksyon   Alam mo ba kung gaano kahalaga ang mga salitang nagsasaad ng kilos sa bawat pangungusap? Oo, ito ang tinutukoy natin na pandiwa! Nagagamit natin ito sa pang-araw-araw na buhay—kapag kumakain tayo, nag-aaral, natutulog, o kahit sa simpleng pag-uusap lamang. Pero alam mo ba na marami pa palang dapat malaman tungkol dito? Ating pag-uusapan sa blog na ito kung ano nga ba ang pandiwa, bakit ito mahalaga, at kung paano ito ginagamit nang wasto. Tara, tuklasin natin ang pandiwa sa mas simple at nakakatuwang paraan!   Ano ang Pandiwa? Ang pandiwa ay isang bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos, gawa, o galaw. Ito ay maaaring nagpapakita ng aksyon na ginagawa ng isang tao, bagay, hayop, o anumang paksa sa isang pangungusap. Halimbawa : 1. Si Faisah ay naglalakad papunta sa paaralan. 2. Tumalon ang pusa sa lamesa. Kahalagahan ng Pandiwa 1. Nagbibigay-buhay sa pangungusap – Sa pamamagitan ng pandiwa, nagkakaroon ng ...